Incoming DND OIC Faustino nasapul ng COVID-19

Incoming DND OIC Faustino nasapul ng COVID-19

June 30, 2022 @ 4:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpositibo si incoming Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr. sa COVID-19.

Si Faustino ay asymptomatic at kaasalukuyang naka-isolate, ayon sa DND nitong Huwebes. Pansamantala niyang gagawin ang tungkulin doon at tsaka na lamang pisikal na papasok sa trabaho matapos ang quarantine period.

Ayon sa  DND, si Faustino, isang retired Armed Forces of the Philippines (AFP) general, ay nahawa ng coronavirus matapos makasalamuha ang isang COVID-positive individual bago ang assumption sa opisina nitong Huwebes.

Batay sa DND, ikinasa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha niya.

Aarangkada naman ang virtual transition ceremony ni Faustino sa Biyernes. RNT/SA