Incoming Finance chief sa pagbagsak ng Piso: Kalma lang

Incoming Finance chief sa pagbagsak ng Piso: Kalma lang

June 23, 2022 @ 10:54 AM 7 days ago


MANILA, Philippines – Walang dapat na ipangamba ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar.

Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno matapos pumalo sa P54.47 ang piso kontra dolyar.

Itinuturing kasi na ito ang pinakamahinang halaga nito sa loob ng halos 17 taon.

Dahil sa iba’t ibang dahilan partikular na sa mga nangyayari sa ibang bansa ay apektado na ang ilang maliliit na negosyanteng nag-aangkat ng produkto mula ibang bansa.

“It is not a reflection of.. to weakness of the economy. It’s just that masyadong malakas ang dolyar at sabi ko nga, if you compare us to the rest of Asian economies including Japan, nasa middle tayo,” ani Diokno.

Aniya pa, maganda ang lagay ng ekonomiya.

Sa kabilang banda, pabor din naman ang paglakas ng dolyar sa mga OFWs dahil lalaki ang halaga ng padala nilang pera sa Pilipinas.

‘Hindi ka naman mahilig sa mga imported goods. Hindi ka naman maaapektuhan. Hindi naman tayo dapat matakot na.. again i’ve seen many crisis in the past .. basta may crisis tayo ay nauubusan tayo ng dolyar dahil pambayad ng utang, noh?. Hindi tayo ganoon ngayon,” lahad ni Diokno.

Subalit para naman kay JG Summit President & CEO Lance Y. Gokongwei , na may negosyo sa airlines at mall, parehong may maganda at hindi magandang dulot ang mahinang piso lalo’t marami sa kanilang mga supplies at food inputs ay galing abroad.

Iyon nga lamang posibleng tumaas naman ang pasahe sa airlines at iba pang produkto kung magtutuloy-tuloy ang pagmahal ng presyo ng krudo at paghina ng piso. Kris Jose