Incoming NICA chief sa reg-tagging: ‘Di kami ‘yun

Incoming NICA chief sa reg-tagging: ‘Di kami ‘yun

June 23, 2022 @ 3:15 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Sinabj ni incoming National Intelligence Coordinating Agency (NICA) Director-General Ricardo de Leon nitong Huwebes na hindi nire-redtag ng state forces ang mga personalidad at grupo na kritiko ng pamahalaan.

Itinanggi ni De Leon na iniuugnay umano ng pamahalaan ang mga personalidad at grupo sa Communist Party of the Philippines (CPP), at sinabing ang founding chairman nito na si Jose Maria Sison ang gumawa nito.

“First, let me clarify that…the government forces, we do not do red-tagging. Binibigyan natin ng emphasis. Sino ba yung nagsabing mang-red tag, ‘di ba si Joma Sison?” aniya.

Ayon kay De Leon, mayroon silang videos kung saan makikita si Sison na pinangangalanan ang mga grupo na may kaugnayan sa communist rebel group.

Matatandaang ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang internet service providers na i-block ang websites na umano’y may kaugnayan sa CPP alinsunod sa utos ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Iginiit din ni De Leon na may basehan ang pag-block sa independent media Bulatlat at  Pinoy Weekly sa listahan ng websites na ibinigay ni Esperon sa NTC.

“My take on that is that I presume and I assume really that knowing Secretary Jun Esperon, kung gumawa siya ng request, these are validated reports at saka may bases,” dagdag niya.

Sinabi ng CPP nitong Huwebes na pito lamang sa mahigit 20 websites na na-block ng NTC ang may kaugnayan sa kanila. RNT/SA