Incoming NSA: Tama na yang peace talks na yan

Incoming NSA: Tama na yang peace talks na yan

June 10, 2022 @ 11:43 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tapos na ang negosasyon sa peace talks.

Ito ang sinabi ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos ngayong Biyernes kung saan iginiit niya na ayaw niyang magkaroon ng peace talks ang pamahalaan sa mga rebeldeng komunista pero pinanawagan niya sa mga ito ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

“Tama na yang peace talks na yan. We’re done with peace talks. We have agreement on certain things. Let’s proceed with that. Alam na natin kung ano ang gagawin. Let’s just invite them to be part [of the] change, wag natin sila i-exclude,” ani Carlos sa interbyu sa ANC.

“Isama mo sila, isama mo sila sa pag-implement nito on the ground. Di naman pwede magreklamo na lang sila, tumatakbo sa kalye. Yung energy niyo sa kalye pwede ba magtulungan na lang tayo na ayusin on the ground ang mga kailangan ayusin.”

Si Carlos, na nagsabing hindi siya sa pabor sa red-tagging, ay nagpahayag na kanyang pananatilihin niya ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“If we have success ituloy mo siya, ‘pag failure wag mong ituloy,” ani Carlos.

Sinabi ng retiradong propesor sa political science mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) na hindi pa niya nabuo ang kanyang grupo at hindi pa nakakausap ang kanyang papalitan na si Hermogenes Esperon.

“NSA Esperon has not talked to me nor has not sent a signal that I will be briefed so I’m blind. Until I know the structure of this office I can’t say anything yet. I don’t like to move when I don’t know,” aniya pa. RNT