INDANG MUNICIPAL STATION ADVISORY COUNCIL 2023

INDANG MUNICIPAL STATION ADVISORY COUNCIL 2023

February 20, 2023 @ 1:17 PM 1 month ago


ENERO 25, 2023 ginanap ang kauna-unahang pagpupulong ng Indang Municipal Police Station advisory council para sa taong kasalukuyan sa pamumuno ni chairman Constancio “Nilo” Telmo Jr. sa Conference Room ng Indang MPS sa Brgy. Poblacion Tres, Indang, Cavite.

Ang station advisory council ay bahagi ng Philippine National Police P.A.T.R.O.L. Plan 2030 na naglalayon na masukat ang accomplishments, plano, programa at aktibidad ng pulisya at sinusukat ito ang scorecard upang matiyak na magpapatuloy ang mga pagbabago at iba pang gawain na ikagaganda at ikauunlad ng pulisya kasama ang pamayanan.

Nagsimula ang PNP PATROL Plan 2030 noon pang 2012 kung saan unang pinalakas ang unang bahagdan nito na ‘initiation’.

Pinasimulan ito sa pagkuha ng mga miyembro ng advisory council na gagabay sa pulisya tungo sa maayos na pagpapatakbo ng kanilang tanggapan at pagsasaayos ng serbisyo nito sa pamayanan.

Kaya nga ang Indang MPS – Advisory Council ay binubuo ng iba’t ibang kinatawan ng mga sektor tulad ng religious sector, youth sector, business sector, academe sector, civil society / NGO’s sector, media sector, transport sector at iba pa.

Mas pinalalakas ng Indang MPS – 2023 Advisory Council ang pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan at kaunlaran ng bayan sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa at proyektong may direktang kapakinabangan sa mamamayan.

Ilan sa mga programa at proyekto ng Indang Municipal Police Station ay ang clean up drive, tree planting, feeding program, symposium, family and youth orientation, violence against women and their children, anti-bullying,drug awareness at iba pa.

Sa pinakaunang meeting na ito ng Indang MPS – Advisory Council ngayong taon, bukod sa mga opisyal ng pulisya at mga miyembro ng station advisory council, ay dumalo ang mga kinatawan ng mga sektor ng pamayanan na sina Dr. Famela Iza Cabe – Matic (academe), Ptr. Roger Panganiban (religious), Mrs. Wilma Torres, (civil society/NGO), Mr. Henry Cayao (transport), Ms. Adela Dela Cruz (PHO), Dr. Rommel Vicedo (RHU), Ms. Aileen Rosarda (business), Mr. James Lorenz Feraer Lasanque at Ms. Angela Formalejo (youth), Mr. Dan Fabros at Rex Avilla Del Rosario (media).

Marami pang inaasahang pagpupulong ang miyembro ng Indang MPS Advisory Council at marami pang mga pagsasama-sama ng iba’t ibang ideya para sa ikauunlad ng pamayanan ng munisipalidad ng Indang.