Inday bahagyang humina; trough magpapaulan sa bansa

Inday bahagyang humina; trough magpapaulan sa bansa

September 12, 2022 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Bahagyang humina si bagyong Inday (international name: Muifa) nitong Lunes ng umaga sa paggawi nito sa southern Japan, subalit posibleng magpaulan ang trough o extension nito sa bansa, ayon sa PAGASA.

Kaninang alas-4 ng madaling araw, ang mata ni Inday ay tinatayang nasa 425 km northeast ng Itbayat, Batanes, na may maximum sustained winds na 155 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 190 km/h, at may central pressure na 955 hPa.

Kumikilos si Inday pa-north northwestward na may bilis na 10 km/h sa paglapit nito sa Yaeyama Islands sa southern Japan.

Mula sa gitna ni Inday, ang strong to typhoon-force winds ay nag-eextend palabas hanggang 310 km.

“Typhoon INDAY is unlikely to directly bring heavy rains in the country throughout the forecast period,” sabi ng PAGASA. Walang inaasahang Tropical Cyclone Wind Signals.

Subalit, ang trough o extensionnito maging ang localized thunderstorms ay magdudulot ng partly cloudy to cloudy skies na sasabayan ng isolated rain showers o thunderstorms sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa. Inaasahan naman ang flash floods o landslides kapag nagkaroon ng severe thunderstorms.

Sa Martes hanggang Miyerkules, posibleng makaranas ang Extreme Northern Luzon ng “gusty conditions reaching strong to gale-force strength due to the channeling of typhoon circulation in the Luzon Strait.”

Ikinasa naman ang gale warning sa seaboards ng Batanes at Babuyan Islands dahil kay Inday.

Inaasahan ang moderate to rough sa eastern seaboard at sa natitirang northern seaboard ng Northern Luzon sa susunod na 24 oras, na may alon na aabot hanggang tatlong metro. Mapanganib ang sea travel para sa maliliit nal seacraft. Nag-abiso naman ang PAGASA sa mariners na mag-ingat sa paglalayag.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa.

Inaasahang lalabas si Inday ng Philippine Area of Responsibility mamayang gabi o sa Martes ng umaga.

Tutungo ito sa north northwestward sa East China Sea.

Inaasahan din na unti-unting hihina si dahil sa mas malamig na tubig sa dagat sa silangan ng Taiwan at East China Sea.

Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko at disaster risk reduction and management offices concerned na mag-ingat.

Sumikat ang araw kaninang alas-5:45 ng umaga at lulubog mamayang alas-6 ng hapon. RNT/SA