Inday, habagat patuloy na magpapaulan, LPA papasok na!

Inday, habagat patuloy na magpapaulan, LPA papasok na!

July 20, 2018 @ 8:01 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Patuloy na magpapaulan ang bagyong ‘Inday’ na pinalakas ng habagat sa bansa habang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang Low Pressure area (LPA), ayon sa PAGASA.

Asahan na magpapatuloy ang pag-ulan sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Bataan, Zambales, Bulacan, Pampanga, Tarlac, at Nueva Ecija.

Ang iba pang bahagi ng Luzon ay makararanas rin ng panaka-nakang pag-ulan habang ang Visayas at Mindanao naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat na pag-ulan, ayon pa sa PAGASA.

Huling namataan ang LPA sa 435 kilometers timog ng Laoag City na maaring palakasin ang habagat sa pagpasok nito sa PAR,

Samantala, ang bagyong Inday naman ay huling namataan sa 945 kilometers silangan ng northeast ng Basco, Batanes.

Ito ay inaasahang lalabas ng PAR sa pagitan ng Biyernes ng gabi at Sabado ng umaga.

Mayroong dalang hangin ang bagyong Inday na nasa 90 kilometers per hour malapit sa gitna at bugso na nasa 115 kph at dahan-dahang gumagalaw patungong hilagang kanluran. (Remate News Team)