Inday lalakas sa severe tropical storm sa 24 oras

Inday lalakas sa severe tropical storm sa 24 oras

September 8, 2022 @ 6:11 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Lalakas pa ang Tropical Storm Inday sa severe tropical storm category sa susunod na 24 oras habang patuloy itong kumikilos pakanluran sa ibabaw ng Philippine Sea, ayon sa PAGASA, Huwebes.

Sa 5 p.m. bulletin, sinabi ng state weather bureau na nananatiling malabong itaas ang storm signals sa anumang lugar sa bansa, at idinagdag na hindi rin inaasahan ang malakas na pag-ulan sa buong forecast period para kay Inday.

Kuha ni Danny Querubin

Huling namataan ang tropical storm sa layong 1,045 kilometro silangan ng hilagang Luzon. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras habang taglay ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 km/h.

Bagama’t hindi inaasahan ang pag-ulan, si Inday ay maaaring magdala ng katamtaman hanggang sa maalon na karagatan sa mga seaboard ng extreme Northern Luzon simula sa Sabado, Setyembre 9.

Maaari itong lumabas sa Philippine Area of ​​Responsibility sa Linggo o Lunes, Setyembre 11. RNT