Inday lumakas pa habang bumabaybay sa Taiwan sea

Inday lumakas pa habang bumabaybay sa Taiwan sea

September 11, 2022 @ 1:45 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Lumakas pa si bagyong Inday (international name: Muifa)continued to intensify sa pagbagal nito sa silangan ng Taiwan sea, ayon sa weather bureau PAGASA nitong Linggo.

Inanunsyo ng state weather bureau na ang sentro ng mata ni Inday ay huling namataan 335 km Northeast ng Itbayat, Batanes (22.5°N, 124.5°E).

Mayroon itong maximum sustained winds ns 165 km/h malapit sa sentro, gustiness hanggang 205 km/h, at central pressure na 950 hPa.

Sinabi ng PAGASA na patungo si Inday sa west northwestward na may bilis na 10 km/h.

Mayroon din itong strong to typhoon-force winds palabas hanggang 310 km mula sa sentro.

Batay din sa bulletin, nananatiling malabo na direktang makaapekto ang bagyong Inday sa bansa.

Inihayag pa ng PAGASA na magpapatuloy ang paglakas ng bagyo mula Linggo hanggang Lunes ng umaga sa pagbaybay nito sa Taiwan sea.

Inaasahang lalabas si Inday ng Philippine Area of Responsibility sa Martes ng uma o hapon. RNT/SA