‘Inday’, ni-rape, inalok ng kasal

‘Inday’, ni-rape, inalok ng kasal

August 7, 2018 @ 3:15 PM 4 years ago


Iloilo – Hindi nagpatinag sa alok na kasal ang 19-anyos na biktima ng rape sa Jaro, Iloilo City.

Sa panayam sa radyo ni alyas ‘Inday’, dalawang beses siya umano pinagsamantalahan ng katrabaho niya na si alyas ‘Nonoy’.

Kwento ni Inday, alas-10 ng gabi nang biglang pumasok si Nonoy sa kanyang kwarto sa 2nd floor ng bahay na kanilang tinitirhan at pinilit syang pagsamantalahan

“Pinilit nya ako, sabi nya, ‘sige na isa lang’. Sabi ko naman ano? Sabi nya sige na ba. Sabi ko naman ayoko nga. Sabi nya bakit naman? Sabi ko naman may boyfriend ako. Sabi nya sige na kasi. Sabi ko naman ayaw ko nga,” kwento ng dalaga.

Nasundan pa ito nang muling magpag-isa si Inday noong Biyernes ng hapon (August 3) matapos umalis ang kanilang boss.

Dahil dito, nagsumbong na si Inday at humingi ng tulong sa pulisya at agad natimbog si Nonoy.

Depensa ni Nonoy, sinabi nito na handa siyang pakasalan si Inday dahil ayon pa sa kanya ginusto nila ang nangyari sa kanilang dalawa

Sinubukan din umano siyang kausapin ng ina ni Nonoy at sinabing aregluhin na lang.

“Sabi ng nanay niya magpaareglo na lang daw at kung maaari ay ipapakasal na lang kami. Sabi ko naman ayoko, ‘di ko mahal ang inyong anak,” mariing pahayag ni inday

Itinanggi rin ni Inday na ginusto niya ang nangyari at iginiit na kailangan niya itong pagbayaran.

“Ipapapreso ko siya, danggal ko ang nawala. Kailangan ko siyang ipapreso, napahiya ako,” aniya. (Remate News Team)