Indemnification bills sinertipikahang urgent ni Digong —Galvez

Indemnification bills sinertipikahang urgent ni Digong —Galvez

February 18, 2021 @ 2:32 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Sa kabila nang hindi pa direktang pagkumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque ay sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., Huwebes, na sinertipikahang urgent na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang indemnification bills.

Ang mga nasabing panukala ay ang Senate Bill No. 2057 at House Bill No. 8648.

“Pinirmahan na po ng ating mahal na Pangulo ang pagsertipika ng panukalang batas as urgent. Nag-usap po kami kanina, kasama po si Senator Bong Go, at magandang balita po na talagang napirmahan niya na po ‘yung mga Senate bill na makakatulong po sa atin,” paliwanag niya.

Sa Senate Bill 2057, pinabibilis nito ang pagbili at rollout ng COVID-19 vaccines, maging ang pagkakaroon ng P500-million indemnification fund.

Ang House Bill 8648 naman ay nag-ootorisa sa lokal na gobyerno na magbigay ng paunang bayad sa COVID-19 vaccines.

Noong una ay sinabi ni Galvez na ang kakulangan ng bansa sa indemnification agreement ang naging dahilan sa delay na pagdeliver ng 117,000 doses ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility. RNT


  •  
  •  
  •