Indemnity bill pirma na lang ni Digong ang kulang

Indemnity bill pirma na lang ni Digong ang kulang

February 24, 2021 @ 7:40 AM 2 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Matapos na aprubahan ng Senado ay in-adopt ng Kamara ang bersyon nito ukol sa panukalang nagpapabilis sa pagbili ng adminsitrasyon ng COVID-19 vaccines at pagkakaroon ng P500 million indemnity fund.

 

Inamyendahan ng Senate Bill 2057 ang House Bill 8648 o COVID-19 Vaccination Program Act of 2021, na nagpapabilis sa pagbili ng mga bakuna na hindi na kinakailangang dumaan sa public bidding.

 

Pinapayagan ng Senate bill ang Department of Health (DOH) and the National Task Force Against COVID-19 (NTF) na makipagnegosasyon sa pagbili ng COVID-19 vaccines kabilang na ang ancillary supplies at services para sa storage, transport, at distribution.

 

Pinapayagan din nitong makabili ng bakuna at mga kinakailangang suplay ang Local Government Units sa pakikipagtulungan sa DOH at NTF sa pamamagitan ng multiparty agreements. Pinapayagan din ang pagbibigay nila ng paunang bayad.

 

Inalalaan naman ang indemnity fund bilang bayad pinsala sa mga matuturukang makararanas ng malalang side effect.

 

Sa pag-adopt ng Kamara, hindi na nila kailangan ng bicameral conference committee meeting at ipadadala na ang panukala kay Pangulong Rodrigo Duterte para mapirmahan sa batas. RNT


  •  
  •  
  •