Independence holiday pay paalala ng DOLE sa mga employer



Independence holiday pay paalala ng DOLE sa mga employer

June 11, 2021 @ 6:24 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Pinalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga enployer kaugnay sa tamang pay rules sa kanilang mga mangaggawa sa pagdiriwang ng  ika-123rd Philippine Independence Day  bukas Hunyo 12 na isang Regular Holiday.

Sa Labor Advisory  no.12 Series  of 2021, alinsunod sa Proclamation  no 1107 na inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrerob16, 2021, ang mga empleyado na hindi papasok sa trabaho sa nasabing petsa at babayaran pa rin ng 100% ng kanyang  sweldo .

Kapag nagtrabaho namansa mismong araw ng regular holiday, ang manggagawa ay babayaran naman  ng kabuuang 200%  ng kanyang suweldo sa nasabing araw  para sa unang walong oras.

Babayaran naman ng karagdagang  30%  ng kanyang hourly rate  ang manggagawa na lalagpas   sa walong oras  (overtime work) ang kanyang trabaho.

Kung matataon  naman na day off o rest day at nagtrabaho sa araw ng regular holiday, ang manggagawa ay kailangang bayaran ng  karagdagang 30%  ng kanyang basic wage o arawang sweldo  ng 200%.

At kapag lumagpas sa walong oras  o overtime ang trabaho  sa araw ng regular holiday, ang manggagawa ay dapat bayaran ng karagdagang 30%  ng kanyang  hourly rate .

Gayunman, dahil sa  nagpapatuloy na krisis  dulot ng COVID-19 sa bansa, ang mga establisyimento na  sarado o ceased  operation  sa panahon ng community quarantine  ay exempted sa pagbabayad ng holiday pay. Jocelyn Tabangcura-Domenden


  •  
  •  
  •