Independent block sa Senado tinuloy ng magkapatid na Cayetano

Independent block sa Senado tinuloy ng magkapatid na Cayetano

July 26, 2022 @ 5:08 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinili nina Senador Pia at Alan Peter Cayetano na buuin ang independen block sa 19th Congress at hindi lumahok sa halalan ng kanilang mga kasamahan.

Iniluklok sina Senate President Juan Miguel Zubiri, President Pro Tempore Loren Legarda, at Minority Floor Leader Joel Villanueva sa pagsisimula ng First Regular Session ng 19th Congress noong Lunes.

Gayunpaman, ipinaabot ng magkapatid ang kanilang pagbati kay Zubiri.

Nangako si Pia Cayetano na makilahok at makikipagtulungan sa kanyang mga kasamahan upang matiyak na “nothing less than excellent work will come out of this Senate.”

“As I have told the Senate President, he knows my commitment for the amazing work that the Senate will produce,” anang senadora.

Sinabi naman ni senator Alan Cayetano na nais niyang makapagtrabaho nang mas patas bilang isang mambabatas.

“Para ‘pag tama ‘yung policies, I will fully support them. ‘Pag sa tingin ko mali ‘yung policy, I’ll criticize but I’ll suggest an alternative,” ani Cayetano sa mga naunang pahayag. RNT