Index crimes bumaba ngayong taon – PNP

Index crimes bumaba ngayong taon – PNP

November 17, 2022 @ 7:26 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Bumaba ang mga insidente ng index crimes sa bansa ngayong taon, o mula Enero 1 hanggang Nobyembre 13 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) nitong Miyerkoles, Nobyembre 16.

Sa datos, sinabi ng PNP na mayroon lamang 34,050 na index crimes ang naiulat hanggang Nobyembre 13 ng taong ito o 2.66% na mas mababa mula sa 34,982 na kasong iniulat noong 2021.

Dagdag pa, ang buong bansa ay nakapagtala rin ng pagbaba sa kaso ng index crimes.

Sa Luzon, nakapagtala ng 19,885 kaso ng index crimes ngayong taon na 0.85% o 171 krimen na mas mababa sa 20,056 na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Sa Visayas naman, iniulat ang nasa 7,095 index crimes o mas mababa ng 6.85% katumbas ng 522 krimen na mas mababa sa 7,617 naitala noong nakaraang taon at sa Mindanao, kabuuang 7,707 kaso ng index crimes ang naitala o 3.27% na mas mababa ng 239 krimen mula sa 7,309 noong 2021.

Sa kabila nito, nakapagtala naman ng pagtaas sa insidente ng nakawan kung saan mayroong 11,295 insidente ng theft o 9.19% mas mataas sa 10,344 na naitala noong nakaraang taon.

Mayroon namang 4,331 insidente ng robbery ngayong 2022 o mas mataas ng 0.30% sa 4,318 noong nakaraang taon.

Maliban dito ay bumaba naman ang lahat ng focus crimes tulad ng murder, homicide, physical injury, rape, at car theft.

Bilang impormasyon, ang index crimes ay tumutukoy sa mga krimen na nakapagdudulot ng seryosong epekto sa biktima nito katulad ng murder, homicide, physical injuries (frustrated murder at homicide), car theft, robbery, theft, at rape. RNT/JGC