India variant ‘40% mas nakahahawa’ kaysa sa UK variant — health minister

India variant ‘40% mas nakahahawa’ kaysa sa UK variant — health minister

June 7, 2021 @ 8:30 AM 2 years ago


LONDON — Mas nakahahawa ang Delta variant ng coronavirus kumpara sa Alpha variant na dahilan ng pinakahuling surge ng COVID-19 sa UK, ayon sa health minister ng Britain.

“That figure, around 40 percent more transmissible, is indeed the latest advice I have,” ani Health Secretary Matt Hancock sa Sky News.

Sa kabilang banda, ang mga indibidwal naman na nabakunahan na ng dalawang beses ay walang dapat ipangambada dahil protektado sila laban rito.

Ang Delta variant ay kilala ring sa tawag na India variant, ay dominante na rin ngayon sa UK, ayon sa Public Health England.

Ang Alpha variant naman ay dating tinawag na UK variant.

Dagdag pa ni Hancock na ang 40 percent figure ay galing sa government body na binubuo ng scientific advisors, SAGE.

“The best scientific advice I have at this stage is that, after one jab, it’s not quite as effective against the new Delta variant, but after both jabs, it is,” giit naman ni Hancock sa BBC. RNT