Indian national na walang working visa, arestado ng BI

Indian national na walang working visa, arestado ng BI

November 16, 2022 @ 3:28 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Indian national na nagbebenta ng iba’t ibang produkto na walang kaukulang working visa o permit.

Kinilala ni  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang inarestong dayuhan na si Inderjeet Bamdev, 36, sa kanyang tindahan sa Brgy. Centro Norte, Camalaniugan, Cagayan.

Ayon kay Manahan, ang pagkakaaresto sa dayuhan ay bunsod sa natanggap nilang reklamo na nagbukas ito ng kanyang negosyo sa kabila nang wala itong working visa.

“It took hours to take Bamdev into our custody as he refused the arrest. He even bragged that he has the backing of some law enforcement officers and that he is untouchable by BI,” ayon kay Manahan.

Pero nang beripikahin ang travel records at visa status ni Bamdev, lumalabas na mahigit apat na taon na siyang nakatira sa bansa pero hindi ito nag-aaplay ng kaukulang visa.

Si Bamdev ay nahaharap sa kasong paglabag sa ilalim ng Sec. 37(a)(7) ng Philippine Immigration Act of 1940.

“It is disappointing how some think they can easily evade the authorities in our country,” ayon kay BI Chief Norman Tansingco.

“Nobody is above the law. Adhere by it or face deportation,” dagdag pa nito. JAY Reyes