Santiago City, Isabela – Patay ang isang 27-anyos na lalaking Indian national matapos itong martilyuhin ng kanyang bayaw na kapwa indian national sa loob mismo ng kanilang nirerentahang bahay sa Barangay Centro West, Santiago City, Isabela kamakalawa.
Dead on the spot sa lugar ng pinangyarihan ng krimen ang biktima na si Jundi Singh bunsod ng mga tama sa kanyang ulo mula sa martilyong ginamit sa pagpukpok ng suspek na si Surinder Singh, 40.
Ayon kay Police Chief Insp. Rolando Gatan, hepe ng Santiago City Police station 1, agad na nahuli ang suspek nang rumesponde ang pulisya sa baha kung saan naabutan pa nila ito at nagtangkang sunugin ang bangkay ng biktima.
Napag-alaman na ang dalawa ay kapwa negosyante sa pamamagitan ng pagpapa-utang na may tubo o mas kilala sa tawag na “5-6”.
Isa sa mga sinisiyasat ng pulisya sa krimen ay ang alitan sa pera subalit patuloy na inaalam ang tunay na motibo ng suspek sa pagpatay sa kanyang sariling bayaw. (Jeff Gallos)