Indian national patay sa riding-in-tandem!

Indian national patay sa riding-in-tandem!

August 11, 2022 @ 2:53 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patay ang isang Indian national habang nangongolekta ng 5-6 nang tambangan ito at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Kasiglahan Village, Montalban Rizal.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., hepe ng pulisya kinilala ang nasawi na si Gursewak Singh, nasa hustong gulang, habang tumakas naman ang suspek gamit ang motorsiklo bilang gateway.

Dakong alas-8:30 ng umaga nitong Miyerkules , sakay ang biktima ng Honda beat motor nito sa Blk- 26 Phase-1A, Kasiglahan Village, Brgy., San Jose sa Lugar.

Biglang sumulpot ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek na armado ng baril at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na agaran nitong ikinamatay.

Target na ng manhunt operation ng pulisya ang mga suspek at nililikom na din ang mga CCTV footage sa lugar.

Sinisilip na din ng pulisya ang anggulo na away negosyo at iba pang motibo.Β Rene Tubongbanua