Indian team pinatalsik sa Women’s Asian Cup

Indian team pinatalsik sa Women’s Asian Cup

January 24, 2022 @ 1:47 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Napilayan ang isang team sa Women’s Asian Cup kung saan ang hosts India ay pinatalsik sa torneo matapos magka-COVID-19 outbreak kaya hindi nila magagawang makapaglaro para sa Group A match laban sa Taiwan sa Linggo.

Base sa regulasyon, kinakailangan na pangalanan ng coaches ang minimum na 13 manlalaro sa araw ng laro at dahil hindi ito nagawa ng India, kinansela ang kanilang laban sa Navi Mumbai DY Patil Stadium.

Sinipa na rin sa kompetisyon si Thomas Dennerby dahil hindi balido ang kanyang mga rason.

“The inability of India to participate in the match…triggers Article 6 of the AFC Women’s Asian Cup India 2022 regulations,” saad ng Asian Football Confederation (AFC) sa isang statement.

Article 6 states “all participating member associations undertake that their participating teams shall play… all of their matches in the finals until elimination.”

Wala na sa kontensiyon ngayon ang India na siya pa namang host ng event sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1989, pero ang AFC tournament ay patuloy pa rin ayon sa mga iskedyul ng laro.

Ayon kay Indian soccer federation president Praful Patel,  “heartbroken” ang team.

“We are as disappointed as probably the entire nation would be right now with this unwarranted situation. However, the players’ health and well-being are of paramount importance to us & it cannot be compromised under any [email protected] @afcasiancup #IndianFootball

 — Praful Patel (@praful_patel) January 23, 2022

“However, the players’ health and well-being are of paramount importance to us & it cannot be compromised under any circumstances.”

Kanselado ang opening draw ng India laban sa Iran at agad pinalitan ang laban sa Miyerkules ng Iran at Taiwan sa isang eliminator para pag-agawan ang puwesto sa quarterfinals.JC