‘Indiana Jones’ film, naurong nanaman sa taong 2021- Walt Disney Co

‘Indiana Jones’ film, naurong nanaman sa taong 2021- Walt Disney Co

July 11, 2018 @ 8:35 AM 5 years ago


 

Naurong nanaman ang pagbabalik ni Harrison Ford sa big screen sa pelikulang ‘Indiana Jones’ matapos ianunsyo kahapon (July 10) ng Walt Disney Co na muli nanaman nilang inurong ang release ng pelikula sa taong 2021.

Matatandaan na nakatakda sanang ilabas sa 2019 ang pelikula ngunit naiurong ito ng taong 2020. Sa ikalawang pagkakataon, naurong nanaman ang movie sa taong 2021 at ayon sa mga ulat noong nakarang linggo, hindi pa raw kasi pulido ang script at nagpatawag pa sila ng bagong writer para tapusin ito. Hindi naman sinagot ng Disney ang anumang katanungan tungkol sa hakbang na ito.

Ang pelikula ay pagsasamahin muli si Ford sa director na si Stephen Spielberg sa franchise ng  “Indiana Jones” ng filmmaker na si George Lucas kung saan kumita ito ng halos $2 billion sa box office sa apat nitong pelikula. Unang ibinalita ng Disney ang panglima nitong installment noong 2016.

Ang hakbang na ito ng Disney ay nangangahulugan na si Ford ay 76-anyos na na makikitang gaganap bilang Fedora-wearing archaeologist sa mga sinehan.

Ang ikalimang ‘Indiana Jones’ film, hindi pa binibigyan ng title, ay ipapalabas makalipas ang 13 na taon matapos ang “Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull,” kung saan nagkasamang muli ni Jones sa kaniyang dating pag-ibig na si Marion, ginampanan ni Karen Allen at natuklasan nitong mayroon silang anak na si Mutt Williams (Shia LaBeouf). Nakatanggap naman ng mixed reviews ang naturang film.

Kabilang sa mga kamakailang movie appearance ni Ford ay ang “Blade Runner 2049” at “Star Wars: The Force Awakens.” (Remate News Team)