Indiano tiklo sa higit P600K na damo

Indiano tiklo sa higit P600K na damo

December 14, 2021 @ 5:59 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Indiano matapos na makumpiskahan ng kalahating kilo na  Kush o high-grade marijuana, sa isang controlled delivery operation sa Malate, Maynila kahapon.

Batay sa ulat, ang claimant/consignee ng mga naturang ilegal na droga ay kinilalang si Yogesh Sahijwani,  Indian national, 40, at residente ng Unit 3, DB Building, 2532 Lemery St., Malate, Manila.

Ayon kay Babang, Lunes ng hapon nang isagawa ng mga anti-narcotic operatives mula sa PDEA Bulacan Provincial Office, PDEA Clark AIU, PDEA Manila DO, Bureau of Customs (BOC), Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District (MPD)-Malate Police Station, ang operasyon.

Nauna rito, noong Disyembre 3 ay dumating sa Port of Clark sa Pampanga ang kontrabando, na nakatago sa isang kulay berdeng kahon, mula sa Washington, USA at idineklarang mga ‘quilt’ o kubrekama ang laman na nakapangalan sa suspek.

Sa tulong naman ng mga K9 sweeping, x-ray examination at physical examination ay natuklasan ng mga awtoridad na ang pakete ay naglalaman ng 15 transparent plastic sachets na may 500 gramo ng kush na nagkakahalaga ng P675,000.

Dahil dito, agad na nagkasa ng controlled delivery operation ang mga awtoridad at inaresto ang dayuhan nang tanggapin ang pakete.

Nakumpiska rin mula sa consignee ang company ID nito;  BIR ID;  at isang (1) unit ng Iphone 11.

Inakapiit na amg suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Jan Sinocruz