Indigenous people alangan pa sa COVID vax – NCCA

Indigenous people alangan pa sa COVID vax – NCCA

October 3, 2022 @ 3:59 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Nag-aalangan pa rin na magpabakuna kontra COVID-19 ang malaking bilang nga mga indigenous peoples (IPs) sa bansa.

Ayon kay National Commission for Culture and the Arts – National Committee on Central Cultural Communities Head Pablito Gonzales nitong Lunes, Oktubre 3, 40% hanggang 50% lamang ng IPs ang nabakunahan na ng COVID vaccine.

Isa sa itinuturong dahilan kung bakit ayaw magpabakuna ng ilang IPs ay dahil sa paniniwalang malalampasan nila ang pandemya kahit hindi nakatatanggap nito.

“Marami pa rin actually ang hesitant magpa-vaccinate,” ani Gonzales kasabay ng public briefing.

“Medyo may hesitancy sila dahil para sa kanila, meron silang indigenous knowledge, system and practices, and spirituality na kaya nilang i-combat itong mga pandemiya katulad ng COVID-19,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, tuloy naman ang paghikayat ng NCCA sa mga indigenous people na magpabakuna na kontra COVID-19 kung saan dumadayo pa ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) kasama ng Department of Health sa bulubundukin mga komunidad upang ituro ang kahalagahan nito. RNT/JGC