Indonesia may sarili nang COVID vax

Indonesia may sarili nang COVID vax

September 30, 2022 @ 4:22 PM 2 months ago


JAKARTA, Indonesia – Inaprubahan na ng Indonesia ang kauna-unahan nitong locally developed COVID-19 vaccine.

Ito ang magandang pagbabalita ng pinuno ng public health agency ng Indonesia ngayong Biyernes, Setyembre 30 na isa umanong simbolo ng kalayaan sa medisina ng nabanggit na bansa.

Idiniin ng pamahalaan ang kahalagahan ng pagbuo ng bakuna na kasalukuyan nakaasa lamang sa mga bakuna ng ibang bansa tulad ng Sinovac, Moderna at Pfizer-BioNTech.

Ang COVID-19 vaccine ng Indonesia ay tinawag na IndoVac na binuo ng state-owned pharmaceutical company na Bio Farma at Texas-based Baylor College of Medicine na gagamitin na ng mga hindi pa rin nababakunahan kontra COVID-19 sa bansa.

“The development… of a domestic vaccine is a pride for us Indonesians as a foundation and as the first step to achieve the nation’s independence in access to medicine,” ani Penny Lukito, pinuno ng national food and drugs agency na BPOM.

Sa kanilang pagsusuri, nagpakita ng 92% efficacy rate ang IndoVac at wala ring naitalang nasawi sa trial nito.

Bukod dito, maituturing na ‘generally mild’ lamang ang side effects na naiulat dito. RNT/JGC