Indonesia nagpadala ng warship para magbantay sa Chinese coast guard vessel

Indonesia nagpadala ng warship para magbantay sa Chinese coast guard vessel

January 14, 2023 @ 2:38 PM 3 weeks ago


JAKARTA – Nagpadala ang Indonesia ng warship sa North Natuna Sea nito para bantayan ang Chinese coast guard vessel na aktibo sa resource-rich maritime area, ayon sa naval chief ng bansa nitong Sabado hinggil sa teritoryo na parehong  inaangkin ng dalawang bansa.

Makikita sa ship tracking data ang paglayag ng barkong CCG 5901 sa Natuna Sea, partikular malapit sa Tuna Bloc gas field at sa Vietnamese Chim Sao oil at gas field mula Dec. 30, ayon sa Indonesian Ocean Justice Initiative.

Nagtalaga ng warship, maritime patrol plane at drone para bantayan ang vessel, base kay Laksamana Muhammad Ali, pinuno ng Indonesian navy.

“The Chinese vessel has not conducted any suspicious activities,” aniya. “However, we need to monitor it as it has been in Indonesia’s exclusive economic zone (EEZ) for some time.”

Hindi naman agad na nakapagbigay ng komento ang tagapagsalita ng Chinese Embassy sa Jakarta.

Binigyan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang mga barko ng navigation rights sa pamamagitan ng EEZ.

Kasunod ang aktibidad ng EEZ agreement sa pagitan ng Indonesia at Vietnam, at pagpayag ng Indonesia na i-develop ang Tuna gas field sa Natuna Sea, na may kabuuang estimated investment na mahigit $3 billion hanggang sa pagsisimula ng produksyon.

Noong 2021, minanmanan ng mga barko ng Indonesia at China ang isa’t isa sa loob ng ilang buwan malapit sa isang submersible oil rig.

Hinikayat noon ng China ang Indonesia na tigilan ang drilling, at iginiit na nagaganap ang aktibidad sa teritoryo ng una. RNT/SA