Indonesia, nais ng mas matibay na border cooperation, kalakalan sa Pinas

Indonesia, nais ng mas matibay na border cooperation, kalakalan sa Pinas

March 19, 2023 @ 1:39 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Nais ng Indonesia na mas palakasin pa ang kooperasyon sa Pilipinas kaugnay sa border security kasabay ng mga banta sa terorismo at iba pang mga illegal na aktibidad katulad ng smuggling sa dagat na pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Ambassador Agus Widjojo, mahalaga na suriin ng Pilipinas at Indonesia ang kasalukuyang legal framework sa border patrol at security and counter-terrorism cooperation habang nagpapatuloy ang non-traditional threats at cross-border crimes.

“Observing that there are still non-traditional security threats in the southern Philippines which are still frequently used as roots for smuggling weapons, illegal goods, human trafficking and still at risk of becoming a backdoor crossing for foreign terrorist fighters, it is considered important to continue and renew some legal basis for defense and security cooperation of the two countries,” sinabi ni Widjojo sa panayam ng GMA.

Ani Widjojo, ang pagsisiguro ng seguridad sa dagat na pagitan ng dalawang bansa ay isang “challenge” dahil labas-pasok ang mga tao sa naturang border.

Dahil dito, kailangan ang epektibong koordinasyon at kolaborasyon sa pagitan ng mga awtoridad ng Pilipinas at Indonesia sa mga hangganan nito.

Kasabay nito, nais din ni Widjojo na palakasin pa ang kalakalan at investment exchange sa dalawang bansa na malaking potensyal umano para sa economic cooperation.

“There are lots of fields, a big potential for the two countries to develop but there are challenges,” aniya.

“We still face the fact that on trade, we still have the surplus in the Indonesian side and we are still looking for ways that surplus can be more balanced by using economic principles,” dagdag pa nito.

Para tugunan ito, sinabi ni Widjojo na inimbitahan ng Indonesia ang mga mamumuhunan mula sa Pilipinas para mag-invest pa lalo sa Indonesia, at tingnan kung paano makatutulong sa ekonomiya sa pamamagitan ng manufacturing ang Indonesian exports sa bansa.

“Maybe make the production in the Philippines and also we would like to invite Philippine commodities to be exported into Indonesia more,” sinabi pa niya.

Noong 2022, ang export ng Indonesia sa Pilipinas ay umabot ng $14.39 billion – o mas mataas ng 57% kumpara sa nakalipas na taon.

Malaking bahagi nito ay ang railway, palm oil, miscellaneous edible preparations, iron, steel at coal.

Ani Widjojo, malaki rin ang investment opportunities sa IT sector para sa mga Filipino investors kabilang ang capacity building training, partikular sa migration, kung saan mas matututo ang Indonesian labor firms sa mga kasanayan ng Pilipinas kaugnay nito.

Ang Indonesia at Pilipinas kasi ang dalawa sa pinakamalaking labor-exporters sa rehiyon.

Samantala, sinabi pa ni Widjojo na nagtutulungan din ang Pilipinas at Indonesia sa transition sa clean energy sa pamamagitan ng pagbabawas ng low carbon emission habang may stable access sa energy resources sa naaangkop, sustainable at murang pamamaraan sa
Southeast Asia. RNT/JGC