Indonesia, niyanig na naman ng lindol

Indonesia, niyanig na naman ng lindol

October 11, 2018 @ 8:21 AM 4 years ago


Indonesia – Binulabog ng magnitude 6 na lindol ang baybayin ng Java at Bali Indonesia, umaga ngayong Huwebes, ayon sa United States Geological Survey.

Ayon sa pinuno ng geophysics agency ng Indonesia, wala pang ulat ng pinsala bunsod ng naganap na lindol ngunit patuloy pa rin ang ginagawang pangangalap ng datos sa probinsya ng East Java.

“The quake didn’t trigger any tsunami for sure,” ayon kay Dwikorita Karnawati.

Namataan ang epicenter ng malakas na lindol sa Bali Sea sa 40 kilometres (25 miles) silangan ng Java island, ayon sa USGS at naramdaman din sa Denpasar sa isla ng Bali.

Matatandaan na nito lamang Setyembre, tumama ang magnitude 7.5 na lindol na sinundan ng tsunami sa isla ng Sulawesi, Indonesia. Nakapagtala ang kambal na unos ng mahigit 2,000 namatay na indibidwal.

Noong Agosto naman, isa pang lindol ang tumama sa Lombok, Indonesia na pumatay naman sa 550 indibidwal./Remate News Team