Indonesia niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Indonesia niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

December 4, 2022 @ 10:37 AM 2 months ago


INDOENSIA – Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang West Java province sa Indonesia.

Ito ang iniulat ng geophysics agency ng naturang bansa na BMKG kung saan ang sentro ng lindol ay naitala sa kalupaan at walang banta ng tsunami sa alinmang lugar.

Sa kabila nito, mayroon naitalang isang nasaktan, apat na bahay at paaralan ang nasira sa bayan ng Garut ayon sa National Agency for Disaster Management (BNPB).

Hinimok naman ni BNPB head Major-General Suharyanto, ang mga residente na manatiling kalmado ngunit alerto.

“In response to the earthquake that happened earlier, once again, remain calm, alert but there is no need to stop your daily activities,” ani Suharyanto.

“According to the BMKG, this earthquake was quite deep. Based on the experience of previous earthquakes, with a depth of more than 60 kilometers, moreover this is above 100 kilometers, it is expected that the impact… won’t be too damaging,” dagdag ng opisyal.

Ang pagyanig ay kasunod ng mapaminsalang magnitude 5.6 na lindol na tumama rin sa West Java noong Nobyembre 21 na nagdulot ng 334 na mga nasawi. RNT/JGC