Inflation, dagdag-holiday stress – study

Inflation, dagdag-holiday stress – study

December 12, 2022 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Lumabas sa pag-aaral na nagpapataas ng holiday stress ang nararanasang mabilis na pagtaas sa presyo ng mga bilihin o inflation sa bansa.

Ito ay sa kabila ng pagluwag ng restriksyon na may kinalaman sa COVID-19 dahil sa pagbaba ng mga kaso ng nasabing sakit.

Sa pag-aaral ng IPSOS, 85% ng mga respondents nito ang nagsabing excited sila sa paparating na holiday season habang 34% ang nagsabing mas excited sila ngayong taon kaysa noong nakaraang taon.

Sa kabila nito, halo-halo naman ang sentimyento ng mga consumer pagdating sa pagdiriwang ng holiday ngayong 2022 kung saan ilan sa mga nakuhang sagot ng kanilang nararamdaman ay “joyful,” “alright,” at “anxious.”

“Retailers are also feeling the anxiety this season as they offer earlier deals, struggle to find workers, and adjust to ‘convergent commerce’,” dagdag sa pag-aaral.

Napag-alaman ng IPSOS na sa 10,000 mga respindents mula sa 12 bansa, 87% ang nai-stress dahil sa tumataas na presyo ng mga bilihin habang 55% ang nagsabing mas stress sila ngayong taon kumpara noong 2021.

“The consequence on holiday shopping and celebrations is apparent,” ayon sa naturang Paris-based marketing consulting firm.

Sa datos naman mula sa Pilipinas, lumabas na 63% ng mga respondents ang nagsabing posibleng mas tumaas pa ang kanilang stress levels dahil sa mahal na mga bilihin ngayong taon kumpara sa naging selebrasyon ng Pasko noong nakaraang taon.

Nasa 22% naman ang nagsabing pareho lamang ang holiday stress na naranasan nila noong nakaraang taon at 13% ang nagsabing bumaba ang stress na naramdaman nila ngayong taon kumpara noong 2021. RNT/JGC