Inflation huhupa sa Enero; balik-target range sa Hulyo –BSP

Inflation huhupa sa Enero; balik-target range sa Hulyo –BSP

December 20, 2022 @ 10:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaasahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal at humupa ang inflation sa Enero ng susunod na taon at babalik ito sa normal na target range sa Hulyo.

Sinabi ni BSP governor felipe medalla na ang inflation ay magsisimulang maging normal matapos na umabot ito sa pinakamataas ngayong buwan kasunod ng 14-year high na 8.0% noong nakaraang buwan.

“Well ang tingin ko, huhupa na ang inflation, so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024., so inflation will be normal by the third, the fourth quarter of 2023. This hopefully will continue for the rest of 2024,” ayon kay Medalla.

“January will be lower than December. February inflation will be lower than January, and so on and so forth so that by July or August next year, normal na uli ang inflation,” dagdag na wika nito.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng BSP na inaasahan nito na ang inflation ay papalo sa average na 5.8% ngayong taon, Hindi nagbago mula sa mga nakalipas na projections o pagtataya noong nakaraang buwan. Mas mataas din ito kumpara sa target range na 2% hanggang 4%.

“The peak is projected this December, due to higher food prices caused by recent typhoons, along with higher prices of liquefied petroleum gas (LPG) and electricity rates,” ayon sa ulat.

Inanunsyo naman ng Manila Electric Company (Meralco) ang “higher electricity rates” habang ang oil firms naman ay nagtaas ng presyo ng LPG products para ngayong buwan ng Disyembre.

Para sa taong 2023, inaasahan ng Monetary Board na ang inflation ay papalo sa 4.5%, mas mataas kumpara sa 4.3% na naitala noong mga nagdaang monetary policy meeting. Kris Jose