Inflation papalo sa 8.1% – Rep Salceda

Inflation papalo sa 8.1% – Rep Salceda

June 20, 2022 @ 4:48 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Mula sa 5.4% inflation noong buwan ng Mayo, maaari pang pumalo ng hanggang 8.1 ang inflatoon kung hindi huhupa ang tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine, ayon kay House ways and means committee chairman at Albay Rep Joey Salceda.

“I have my own model tapos ‘yung base last year was slow so I think it can shoot up to 8.1 percent. Depende ‘yan kung hindi titigil ang Ukraine at ang Russia. Mukhang ayaw namang tumigil e kasi mukhang we will see an escalation, especially with the EU (European Union) coming together to really fight the war,” paliwanag ni Salceda.

Kumpiyansa naman si Salceda na handa ang economic team sakaling tumaas pa ang inflation o ang paglobo ng presyo ng pangunahing bilihin.

Una nang sinabi ni Salceda na ang isyu ng inflation, food security at health ang syang unang dapat na tutukan ng Marcos administration sa unang 100 araw nito lalo at pataas ang inflation rate.

“Sa pananaw ko, the right thing to do there is really, unang-una is focus on the poor kasi the rich could take care of itself. This thing will not last naman kasi mas malaking global problem is the need for disinflation,”ani Salceda.

Tiwala si Salceda sa economic team na napili ni President Elect Bongbong Marcos kung saan una na nitong hinikayat ang publiko na suportahan ang mga ito. Gail Mendoza