Inflation posibleng pumalo sa 6.5% sa Hunyo

Inflation posibleng pumalo sa 6.5% sa Hunyo

June 30, 2022 @ 3:45 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaasahang sasampa ang inflation sa pinakamataas sa loob ng tatlong taon sa buwang ito dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng basic goods, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Huwebes.

Sinabi ni outgoing BSP Governor Benjamin Diokno na posibleng pumalo sa 5.7% hanggang 6.5% range sa Hunyo.

Ang reading na 5.7% ang magiging pinakamataas simula noong makapagtala ng 5.2% noong Disyembre 2018, habang ang reading na 6.5% ang magiging pinakamataas 6.9% simula noong Okture 2018.

“The continued increase in domestic oil prices, upward adjustments in electricity rates, higher prices of key food items, and peso depreciation are the primary sources of inflationary pressures during the month,” ani BSP Governor Benjamin Diokno. RNT/SA