Inflation posibleng pumalo sa 7.9% ngayong Oktubre – BSP

Inflation posibleng pumalo sa 7.9% ngayong Oktubre – BSP

October 31, 2022 @ 11:10 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Posibleng lumampas ang inflation sa 13-year highs ngayong buwan dahil sa mas mataas na presyo ng mga bilihin, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes.

Sa pagtataya ng central bank, posibleng sumampa ang inflation sa 7.1% hanggang 7.9% range ngayong buwan, mas mataas kumpara sa 6.9% na naitala nitong Setyembre. Nangangahulugan din ito na lalampas ang inflation sa 2% hanggang 4% target para sa ika-pitong sunod na buwan.

Sakaling mangyari ito, malalampasan pa nito ang 7.2% na naitala noong Pebrero 2009 sa kasagsagan ng global financial crisis.

“Inflation pressures for the month are expected to emanate from transport fare hikes, elevated domestic petroleum prices, higher agricultural commodity prices due to recent typhoons, and the depreciation of the peso,” pahayag ng BSP.

Nauna nang inihayag ng Department of Finance (DOF) at ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inaasahang mananatiling mataas ang inflation sa natitirang bahagi ng taon, dahil sa mahinang piso dulot ng bagyong Karding (international name: Noru).

“More importantly, inflation is projected to gradually decelerate in the succeeding months as the cost-push shocks to inflation due to weather disturbances and transport fare adjustments dissipate,” sabi ng BSP

“Looking ahead, the BSP will continue to monitor closely emerging price developments to enable timely intervention that could help prevent the further broadening of price pressures in accordance with the BSP’s price stability mandate,” dagdag nito. RNT/SA