Inflation rate ng Pinas sumirit sa 8.1% noong Disyembre

Inflation rate ng Pinas sumirit sa 8.1% noong Disyembre

January 5, 2023 @ 10:50 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tumalon sa 8.1% noong Disyembre ang naitalang inflation o antas ng bilis ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes, Enero 5.

Base sa datos mula sa PSA, nagpakita ito na ang inflation rate ay tumuntong sa 8.1% noong nakaraang buwan, mas mabilis kaysa sa 8% na naitala noong Nobyembre.

Aabot naman sa 7.8% hanggang 8.6% ang itinakdang forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa nasabing buwan.

Sa naunang pahayag, sinabi ng bangko sentral na mananatiling mataas ang inflation sa Disyembre dahil sa pagtaas ng presyo ng kuryente at mga produktong pang-agrikultura.

Ngunit binanggit din nito na ang pagbaba sa presyo ng petrolyo at bigas, gayundin ang paglakas ng piso ng Pilipinas, sa panahong iyon ay maaaring magpagaan sa inflationary pressure. RNT