Inflation rate sa bansa, tumaas pa, 5.7% mula 5.2%

Inflation rate sa bansa, tumaas pa, 5.7% mula 5.2%

August 7, 2018 @ 9:44 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Habang pinahuhupa ng gobyerno ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, tumaas nanaman ang inflation rate na naitala sa nakaraang buwan, pinakamalaki sa loob ng limang taon.

Tumaas ang consumer price index ng nasa 5.7% mas mataas sa median na 5.5%, mula sa 5.2% nitong June, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes (August 7).

Ang patuloy na pagtaas ng presyo ay magtutulak sa Bangko Sentral ng Pilipinas upang taasan ang kanilang benchmark rate para sa ikatlong magkakasunod na pagkakataon ngayong taon, ayon sa analyst. Remate News Team