Inflation rate sa Mayo, bumagal – BSP

Inflation rate sa Mayo, bumagal – BSP

June 1, 2021 @ 8:09 AM 2 years ago


MANILA, Philippines – Mas babagal pa ang inflation rate ngayong buwan ng Mayo, ayon sa prediksyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang inflation rate ay ang antas ng bilis ng pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo.

Ayon sa Central Bank na inaasahan ang 4.4% na inflation rate ngayong buwan, at posibleng umabot hanggang sa 4-4.8% range.

Ang nasabing antas ay mas mababa sa 4.5% na naitala noong Abril.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang mataas na presyo ng karne, produktong petrolyo, at singil sa Meralco ang pinakapinagmulan ng mataas na presyo ngayong buwan.

Pero sinabi ni Diokno na pwedeng ito ay “offset” ng mas mababang presyo ng mga pagkain tulad ng bigas, gulay, at isda.

“Moving forward, the BSP will remain watchful of economic and financial developments to ensure that the monetary policy stance remains consistent with the BSP’s price stability mandate,” ayon sa central bank.

Sa Biyernes isasapubliko ng Philippine Statistics Authority sa mga pahayagan ang inflation rate.