Inflation sa mga pangunahing bilihin, pansamantala lang – DoF

Inflation sa mga pangunahing bilihin, pansamantala lang – DoF

October 6, 2018 @ 3:22 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Pansamantala lang ang nararanasang inflation sa mga pangunahing bilihin.

Pumalo na kasi sa 6.7 percent ang inflation rate sa nakalipas na buwan ng Setyembre.

Ayon kay Department of Finance Asec. Tony Lambino na pangunahing dahilan ng inflation ay ang pagtaas sa halaga ng bigas, poultry products, gulay at isda.

Nauna rito, naglabas na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng tatlong memorandum orders na naglalayong mas maging mabilis ang importasyon ng mga kinakailangang produkto para sa local market.

Ani Asec. Lambino, mismong ang Punong Ehekutibo aniya ang nagsabi na bawasan ang bureaucracy sa proseso ng importation para mas mabilis na mapakinabangan ng sambayanan ang ilang mga imported products lalo na ng mga pagkain.

Sinabihan na rin ng Department of Agriculture ang ilang mga special markets na magbebenta ng mga murang bigas, gulay at isda na direktang nagmula sa mga lalawigan.

Kamakailan lamang ay sinibak ng Pangulo ang ilang mataas na opisyal ng Bureau of Customs sa Zamboanga City makaraang mawala sa mga bodega ang 23,000 sako ng nasabat na smuggled rice mula sa bansang Malaysia./Kris Jose