Info campaign palalakasin vs OFW recruiter scammer-Ople

Info campaign palalakasin vs OFW recruiter scammer-Ople

November 30, 2022 @ 3:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinakailangang palakasin ang information campaign para sa mga Pilipinong naghahanap ng trabaho abroad pa maprotektahan sila laban sa mga recruier na scammer, ani Migrant Workers Secretary Susan Ople ngayong Miyerkules.

Sinabi ng kalihim na bukod sa Myanmar, tinitignan din ng Department of Migrant Workers (DMW) ang human trafficking incidents na kinasasangkutan ng mga Filipino sa Cambodia at Laos. Aniya nagawa nilang pauwii ang ilang survivors mula sa nasabing mga bansa.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 47 human trafficking victims ang dumulog na sa kanila upang humingi ng tulong para sila ay mapauwi sa Pilipinas.

Nanawagan si Ople sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa ibang bansa na i-tsek muna sa kanila upang malaman kung ang ahensya na kanilang ina-aplayan ay nasa listahan ng DMW na mga lisensyadong recruitment firms.

Aniya mayroong hotline na maaring tawagan at kung sakaling duda ay huwag nang tumuloy.

Samantala, sinabi ng kalihim na tinitignan ang posibilidad ng pagdoble ng money transfers sa mga Filipino abroad sa unang kwarter ng 2023.

“I think we are looking at a sharp increase in remittances by the first quarter of 2023,” sabi ni Ople.

Binanggit niya ang pagbubukas ng Saudi labor market at bagong labor markets sa Europe at ang acute labor shortage na kabilang sa mga dahilan para sa development.Sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ipinakita na ang cash remittances o money transfers ay tumaas noong Setyembre na naghahalaga ng $2.84 bilyon.

Ito ay 3.8% increase mula $2.74 bilyon noong September 2021. Jocelyn Tabangcura-Domenden