Info drive sa opisinang may maayos na plate laser engravers, iniatas ng DOTr sa LTO

Info drive sa opisinang may maayos na plate laser engravers, iniatas ng DOTr sa LTO

December 13, 2022 @ 7:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Iniatas ng Land Transportation Office (LTO), sa pamamagitan ng memorandum, sa mga opisina nito na ipaalam sa publiko ang mga driver’s license renewal offices (DLROs) na may fully functional laser engravers upang maibsan ang mga isyu sa backlog.

“This can serve as a stop-gap measure for the meantime while we await the repairs of defective laser engravers to be completed. Also, informing the public which office to go to for driver’s license issuance and renewal prevents confusion and further inconvenience to them,” ani LTO Chief Jose Arturo Tugade.

Idinagdag ni Tugade na ang mga mahahalagang bahagi para sa pagkukumpuni ng mga laser engraver ay magagamit na sa Bureau of Customs.

“We need to put them in one by one to the machines and evaluate them. As for the timeline, we are looking at fixing the machines by February of next year,” aniya pa.

Inihayag din ni Tugade na 9.4 milyon sa 12 milyong backlog para sa mga plaka ng motorsiklo ay lalabas na may bagong disenyo bilang pagsunod sa Republic Act No. 11235 o ang “Motorcycle Crime Prevention Act.”

Ito ay magiging mas malaki, nababasa, at may kulay, at gawa sa angkop at matibay na materyal na substrate ng aluminyo na may reflectorized na background. Mayroon din itong mga tampok na panseguridad.

Nauna nang nangako si Tugade na pabilisin ang pagpapalabas ng 92,000 driver’s license cards na naipon sa LTO dahil sa mga depektong laser engraving machines.

Sinabi ni Tugade na kakailanganin nila ng karagdagang pondo para maayos ang mga sira na gamit. RNT