Informant patay rin sa PNP-PDEA shootout, namatay 4 na

Informant patay rin sa PNP-PDEA shootout, namatay 4 na

February 25, 2021 @ 7:01 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Apat na ang naitalang napatay sa naganap na barilan sa pagitan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa isang buy-bust operation sa Quezon City.

Kinumpirma ni PDEA Director General Wilkins Villanueva sa isang media briefing na isang informant ang napatay sa nasabing shootout sa isang fast food joint malapit sa Ever Gotesco mall sa kahabaan ng Commonwealth Avenue nitong Miyerkoles.

Una nang kinumpirma ng pulisya ang dalawang pulis at isang PDEA agent na nasawi sa insidente.

Maaayos na naman ang kondisyon ng dalawa pang tauhan ng PDEA habang isa pa ang sugatan sa hanay ng PNP.

kamakailan, sinabi ng National Capital Region Police Office na “misencounter” ang nasabing shootout.

Ikinasa na ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng putukan ng dalawang panig. RNT/ELM


  •  
  •  
  •