Infra, agri, energy cooperation ng Pinas, Tsina magpapatuloy

Infra, agri, energy cooperation ng Pinas, Tsina magpapatuloy

July 17, 2022 @ 11:20 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang pagtutulungan ng Pilipinas at China sa ilalim ng Marcos administration.

Sesentro ang kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura, imprastraktura, enerhiya at cultural exchanges.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, kapuwa nangako ang dalawang bansa sa opisyal na pagbisita ni Foreign Minister Wang Yi sa Pilipinas noong nakaraang linggo.

“The two sides agreed to conduct cooperation in the four key areas of large-scale agriculture, infrastructure, energy, and cultural and people-to-people exchanges to enhance friendship and cooperation,” ayon kay Wang sabay sabing “The Chinese side will support the Philippines in its efforts to achieve food self-sufficiency and agricultural modernization, strengthen conventional and hi-tech infrastructure, and improve its energy structure, so as to generate more tangible benefits to the Philippine people and also the Chinese people.”

Aniya, binigyang diin ng China ang “importance to view things from a strategic and overall perspective, set aside disputes, and use political wisdom to advance joint development and make the pie of cooperation bigger.”

“Both sides stressed that the South China Sea issue is not the sum total of bilateral relations. We cannot afford to allow specific differences to define our relationship or allow individual disputes to interfere with overall cooperation,” ang pahayag ni Wang.

Aniya pa, positibo ang naging tugon Pilipinas sa usapin at nagpahayag ng kahandaan na magkaroon ng palitan sa Chinese side upang makahanap ng isang “friendly” solution sa isyu at magkatuwang na babantayan ang kapayapaan at stability o katatagan sa South China Sea.

Samantala, noong July 5-6 trip ni Wang sa Pilipinas, nag-courtesy calls siya kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Vice President Sara Duterte, Foreign Secretary Enrique Manalo, National Security Adviser Clarita Carlos, at iba pang matataas na opisyal ng bansa. Kris Jose