Infra damage ni ‘Paeng’ sumampa na sa P4.5B

Infra damage ni ‘Paeng’ sumampa na sa P4.5B

November 7, 2022 @ 12:50 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pumalo na sa P4.5 bilyon ang pinsala sa imprastraktura dulot ng Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).

Sa  6 a.m. situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang halaga ng 800 damaged infrastructure sa Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 10, 11, 12, at Cordillera Administrative Region (CAR) ay umakyat na sa  P4,512,696,137.88.

Ang Calabarzon ay nananatiling nakapagtala ng mataas na halaga ng pinsala,  kabilang dito ang  111 imprastraktura sa halagang P1,243,670,800.

Sinundan ito ng Mimaropa na may  269 damaged infrastructure na nagkakahalaga ng P997,052,772, at Bicol Region na may 180 damaged infrastructure na P793,374,689.99.

Nakapag-ulat naman ang  Department of Agriculture (DA) ng P2,989,090,147.535 production loss o cost of damage sa agriculture sector sa Regions 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 9, 10, Bangsamoro Region, at CAR dahil kay bagyong Paeng.

“The most damage to agriculture was still recorded in the Bicol Region amounting to P924,124,008.65. Calabarzon was next with P726,119,476.09 worth of damage, and Central Luzon with P430,795,256.025,” ayon sa NDRRMC.

Nakapagtala naman ang National Irrigation Administration (NIA) ng P96,102,000 halaga ng pinsala sa  Cagayan Valley at Bicol Region.

Nananatili naman sa 156  ang  naitalang patay  dahil kay Paeng. May 37 katao naman ang nawawala habang 141 ang nasugatan.

Mayroon ding  4,637,173 apektadong indibiduwal o  1,273,058 pamilya sa 9,489 barangay.

Mayroong 951 evacuation centers kasalukuyang nangangalaga sa 108,791 displaced individuals o 27,001 pamilya,  920,586 mga tao o 326,456 pamilya ang nananatiling nasa labas ng evacuation centers.

Nakapagtala ang NDRRMC ng 34,943 bahay na nawasak dahil kay  Paeng,  nagkakahalaga ito ng P17,286,000.

Sa nasabing bahay, mayroong 31,676 ang  partially damaged, at 3,267 ang totally damaged.

Tinatayang may 122 lansangan at 68 tulay ang hindi pa rin madaanan  dahil kay Paeng.

May kabuuang  P167,619,871.93, nagkakahalaga ng tulong  ang ipinagkaloob sa Regions 1, 2, 3, 4-1, 4-B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, Caraga, CAR, at  National Capital Region, ayon sa NDRRMC.

Samantala, sinabi ni  Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Eduardo Punay na namahagi ang ahensiya ng P236 million na humanitarian assistance sa Paeng-hit individuals

Sinabi nito na  magbibigay ang DSWD ng cash relief  na nagkakahalaga ng P2,000 hanggang  P10,000 sa ilalim ng  “assistance to individuals in crisis situations (AICS) program.”

“Whenever we encounter a request or applications, say burial assistance, we give a maximum of P10,000 cash. Then for medical assistance or food assistance, that ranges from P2,000 to P10,000,” ayon kay Punay.

“The DSWD also still has a P1.1 billion in standby fund that can be used for the year, ” wika ni Punay. Kris Jose