Infra damage sa Davao quake P226M na!

Infra damage sa Davao quake P226M na!

March 15, 2023 @ 3:36 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umakyat na sa P226 milyon ang halaga ng pinsala sa imprastruktura sa nangyaring lindol sa Davao de Oro.

Ayon kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Joseph Randy Loy nitong Miyerkules, Marso 15, “Based on the initial rapid damage assessment and needs analysis report, we have a total of P226 million, mahigit P226 million na danyos.”

Inilagay ang Davao de Oro sa state of calamity dahil sa pinsalang tinamo kabilang na ang daan-daang tirahan na nasira sa lindol noong nakaraang linggo.

“As of yesterday may iilan na po nakauwi ng kanilang bahay and it has been already trimmed down–from 5,799 ….as of kahapon 4 p.m., meron na lang po tayo higit 4,000 na pamilya na nasa evacuation centers,” ani Loy.

Patuloy naman ang pagbibigay ng mga awtoridad ng pagkain, tubig at iba pang tulong sa mga residenteng lumikas sa kani-kanilang mga tirahan. RNT/JGC