Infra damage sa lindol pumalo sa P33M

Infra damage sa lindol pumalo sa P33M

July 28, 2022 @ 2:52 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinatayang umabot na sa  868 kabahayan sa Cordillera Administrative Region ang napinsala ng magnitude 7 na paglindol na tumama at umuga sa lalawigan ng Abra.

Bukod dito, may P33 milyong halaga naman ng imprastraktura sa tatlong iba pang rehiyon ang napinsala rin ng nasabing paglindol.

“There is no estimate yet on the damage to historical sites in Ilocos Region from Wednesday’s destructive earthquake, which left at least four people dead and dozens of others injured,” ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

“We have an initial estimate of damage to infrastructure amounting to P33,800,000,” ang sinabi ni NDRRMC spokesperson Mark Timbalsa isang panayam.

Sinabi naman ng Department of Education (DepEd) na maaari pang tumaas ang nasabing halaga ng pinsala dahil may  35 eskwelahan ang napinsala sa naturang malakas na paglindol na mayroong  “reconstruction and rehabilitation cost” na P228.5 milyong piso. Ang bilang ani Timbal ng napinsalang eskuwelahan ay pumalo na aniya sa  61.

Aniya pa, ang rehiyon na labis na naapektuhan ng malakas na paglindol ay ang  CAR at Ilocos, subalit ang P33.8 milyong piso ay pagtataya na ang sakop lamang ay ang Ilocos Region, Central Luzon, at Kalakhang Maynila.

“We have received reports that historic or heritage structures also suffered damages from the earthquake. We haven’t proceeded with the valuation of this infrastructure given that there is a different procedure for historic sites,” ang paliwanag ni  Timbal sabay sabing, “The damage computation does not yet include the historic structures as of this time.”

Ang mga historical sites gaya ng  Bantay Bell Tower, Vigan Cathedral, ilang heritage houses sa Ilocos Sur, at ilang simbahan sa Abra and Ilocos Norte  ay “either partially damaged or have partially collapsed” kasunod ng malakas na paglindol.

Samantala, nawalan ng kuryente ang ilang lugar sa Northern Luzon matapos ang lindol sa Abra.

Dahil dito, nagpaalala naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lahat ng mga motorista na mag -ingat sa biyahe dahil sa mga naitalang nasirang kalsada bunsod ng mga nangyaring pagguho ng lupa kasunod ng magnitude 7.0 ang lindol sa Tayum, Abra.

Ayon sa LTFRB, mas makabubuting ipagpaliban muna ang mga biyahe kung hindi lubhang kinakailangan dahil sa posibleng maranasang aftershocks.

Kabilang sa may mga isinarang kalsada ay nasa Baguio City:

  • Kennon road (sarado sa lahat ng motorista);

  • Marcos Highway (isang lane lamang ang madaraanan);

  • Benguet-Vizcaya Road (sarado sa trapiko); at

  • Baguio-Bua-Itogon Road (sarado sa trapiko). Kris Jose