Infra sector nagtamo ng P500M pinsala kay #FloritaPh

Infra sector nagtamo ng P500M pinsala kay #FloritaPh

August 29, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kulang-kulang P500 milyon ang pinsala sa imprastraktura dahil kay Severe Tropical Storm Florita.

Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na ang halaga ng 102 pinsala sa imprastraktura sa  Ilocos Region at Cagayan Valley  ay  pumapalo na ngayon sa  P498,980,000.

Karamihan sa pinsala sa 93 imprastraktura sa  Ilocos Region ay  umabot na sa  P474,580,000.

Ang Cagayan Valley ay mayroong  9 na naitalang pinsala sa imprastraktura na nagkakahalaga ng  P24,400,000.

Ayon sa  NDRRMC, iniulat ng Department of Agriculture na  P3,414,672 ang pinsala sa agriculture sector sa Ilocos Region dahil kay  Florita.

Samantala, iniulat naman ng National Irrigation Administration na P10,850,000 pinsala sa Calabarzon.

Siyam na lansangan naman sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Bicol Region, at tatlong tulay sa  Ilocos Region at  Cagayan Valley ang nananatiling  hindi nadaraanan.

May kabuuang  72  kabahayan ang apektado ng bagyong Florita kung saan 47 ay sa  Cagayan Valley, 24 sa Ilocos Region, at isa mula sa CAR.

Sa  72 apektadong kabahayan, 68 ang partially damaged, at apat naman ang totally damaged.

TInatayang 31,936 pamilya o 129,768 katao ang apektado ng 486 barangay sa  Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, CAR, at  National Capital Region (NCR).

May kabuuang  286 displaced families o 993 indibiduwal ang nananatili naman sa  20 evacuation centers.

Sa kabilang dako, may 167 displaced families o 617 indibiduwal ang nananatili naman sa labas ng  evacuation centers.

Nananatili  namang tatlo ang namatay habang apat ang sugatan.

Sinabi ng NDRRMC na may  kabuuang  P7,701,996.21 halaga ng tulong ang ibinigay sa mga apektadong indibiduwal sa  Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol Region, CAR, at NCR.

Ang tulong ay kinabibilangan ng family kits, hygiene kits, family food packs, at tents. Kris Jose