Inhinyero nakuryente, dedbol

Inhinyero nakuryente, dedbol

July 10, 2021 @ 1:15 PM 1 year ago


ILOCOS SUR-Patay ang isang inhenyero matapos makuryente sa Brgy. San Sebastian, San Vicente ng lalawigang ito kagabi.

Ang biktima ay nakilalang si Ferdinand Ferillo y Prima, 25, binata, tubong-Brgy. Casilagan, Bauang, La Union pero naninirahan ngayon sa Brgy. San Sebastian, San Vicente.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay nagkakabit ng bombilya sa under construction nilang bahay nang biglang makuryente.

Agad na tumawag ng saklolo ang nobya nitong si Mary Ann Rebebes y Robin, 25.

Agad namang nadala sa Metro Cooperative Hospital sa Bantay, Ilocos Sur ang biktima.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso