‘Inigo Pascual,’ nakasagasa ng nagbibisikleta!

‘Inigo Pascual,’ nakasagasa ng nagbibisikleta!

June 1, 2021 @ 3:15 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Isang lalaki na nagbibisekleta ang nagtamo ng hematoma at mga galos sa katawan matapos na  masagasaan ng kapangalan ng anak ni Piolo Pascual na si Inigo Pascual. Nadamay pa ang gate ng isang bahay at isang nakaparadang sasakyan sa Kawit, Cavite.

Kinilala ang biktima na si John Mark Cabilan Sabanal na isinugod sa Binakayan Hospital dahil sa tinamong sugat sa katawan.

Nasira din ang gate ng bahay ni Carlos Garin Gilhang maging ang harapang bahagi ng kanyang nakaparadang sasakyan na isang Toyota Corona Sedan na may plakang  UDB 622.

Kinilala naman ang driver ng isang Ford ranger Raptor na si Inigo Dominic Lazaro Pascual

Sa ulat ni PCMSgt Roldan Requioma ng Kawit Municpal polic Station, dakong alas-10:30 kamakalawa nang gai nang naganap ang insidente kung saan minamaneho ni Pascual ang kanyang Ford ranger Raptor patungo sa Cavite (westbound direction) habang binabagtas ang kahabaan ng Tirona Highway, Brgy Balsahan-Bisita, Kawit, Cavite  nang mabangga nito si Sabanal na noon ay nagbibisekleta habang binabaybay ang kaparehong lane ng sasakyan ni Pascual.

Dahil sa pangyayari, nalaglag at gumulong ang katawan palayo sa kanyang bisekleta ng biktima habang ang sasakyan ni Pascual ay umikot  pakanan at bumangga sa gate ng bahay ni Gilhang na nahila at tamaan ang harapang bahagi kanyang nakaparaang sasakyan.

Hindi naman makumpirma kung ang artista nga na si Inigo Pascual ang nakabangga pero base sa facebook.com, “Inigo Dominic Lazaro Pascual” ang buong pangalan ng singer/actor at anak ni Piolo Pascual na kaparehas sa naka-blotter sa police report

Maging si  PMAJ Joel Palmares, Hepe ng Kawit MPS ay  ayaw kumpirmahin na ang singer/actor ang driver ng nasabing Ford Ranger Raptor.

“Ewan ko, hindi ko naman siya kilala at hindi rin namin tinanong kung artista siya,” ayon kay Palmares.

Dagdag pa ni Palmares na hindi naman malaking isyu kung si Pascual nga ang nakabangga.

Wala namang tugon ang Imbestigador sa aming mga tawag na may hawak ng kaso  upang makupirma kung ang actor/singer nga ang nakabangga sa biktima. Margie Bautista