Inihaing mga disqualification case, petition sa Comelec tatapusin ngayong taon

Inihaing mga disqualification case, petition sa Comelec tatapusin ngayong taon

October 5, 2022 @ 7:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Commission on Elections o Comelec na tatapusin ngayong taon ang lahat ng “disqualification cases at petitions” na may kinalaman sa nakalipas na Eleksyon 2022.

Ayon kay Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco, ang mga kaso na isinampa sa poll body ay kasalukuyan nang dinidinig sa preliminary investigation.

Aniya, may mga nakabinbing “petition to cancel certificate of candidacy” at mga “petition for disqualification.”

Sinabi ni Laudingco na ang pangako ng Comelec en banc ay tapusin ang lahat ng mga nakabinbing kaso at petisyon ngayong taon.

Tulad aniya sa mga kaso ng vote buying, pagtitiyak ni Laudiangco na mas mabilis na itong madedesisyunan dahil nasa 17 kaso ng “vote-buying” lamang ang isinampa sa Comelec laban sa iba’t ibang kumandidato noong eleksyon.

“Nagpapahirap lang naman po kasi sa amin dati, yung dami ng kaso na natatanggap namin kaya kami natutuwa po dahil sa Republic Act 9369 o Automation law, pantay nap o ang kapangyarihan ni Comelec at nang piskalya na duminig ng ganiotng kaso”, sinabi ni Laudingco sa kanyang pagharap sa Kapihan sa Manila Bay.

“Doon po sa Automation law mayroon pong provision dun na ang jurisdiction po ng other prosecuting arms of the government particulary the national prosecution service is concurrent with Comelec”, dagdag pa ng tagapagsalita ng poll body. Jocelyn Tabangcura-Domenden