Iniimbestigahang chartered flight, may clearance – MIAA

Iniimbestigahang chartered flight, may clearance – MIAA

February 17, 2023 @ 10:36 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nakakuha ng kinakailangang clearance ang chartered flight na iniimbestigahan sa umano’y pagkakasangkot sa human trafficking, kabilang ang Airport Police Department’s (APD) assistance, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA)  nitong Huwebes.

Umalis ang eroplano na may registry number at callsign N9527E na pagmamay-ari ng Cloud Nine No. 1 Leasing Company Limited, patungong Dubai noong Lunes ng gabi.

Inihayag ni MIAA Senior Assistant General Manager Bryan Co na awtorisado ang APD’s assistance sa ilang sasakyan patungo sa ramp kasunod ng written request mula sa Globan Aviation Corporation.

“The assistance of the APD was conducted in accordance with standard operating procedures requiring APD patrol cars to escort vehicles without blinkers and with no MIAA issued permit to the Aircraft Movement Area (AMA). AMA Permits are issued annually by the MIAA to its official vehicles and that of the airlines and other airport agencies with operations in this restricted part of the NAIA,” dagdag niya.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang chartered flight kasunod ng hirit ni PNP Aviation Security Group NCR chief PCol Rhoderick Campo na nag-ulat na may paglabag sa pangangasiwa ng flight.

Sinabi ni Co na nakakuha nag flight ng approval mula sa Civil Aviation Authority of the Philippines para sa entry-exit clearance; sa Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) para sa aircraft exit clearance; sa MIAA para sa ramp entry ng mga sasakyan na naghatid sa mga pasahero sa ramp.

Lahat ng mga pasahero ay naproseso at  na-clear ng Bureau of Immigration, dagdag niya.

“The MIAA shall continue with the probe leaving no stone unturned to dispel insinuations that persons are being brought out of the country surreptitiously without going through mandated pre-departure formalities,” pagtitiyak ng MIAA.

Sa isang news release, ipinaliwanag ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang chartered flights ay nasa ilalim ng kategorya ng special flights, kung saan hindi naproseso ang mga pasahero sa immigration area subalit ininspeksyon malapit sa aircraft.

Aniya, nagsagawa sila ng initial verification sa nasabing insidente sa BI Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 management.

“According to the initial report, there were 10 individuals on board the said aircraft. Seven passengers and 3 crew were listed in the manifest,” ani Tansingco. “All underwent derogatory checks and were compliant to immigration formalities.”

Idinagdagniya, nagtalaga ng immigration officer para iproseso ang mga pasahero sa nasabing aircraft.

“The entrance of other individuals in the airport premises does not fall under the jurisdiction of the BI,” pahayag ni Tansingco. “Our officers only process passengers, following the official General Declaration.”

Nitong Miyerkules, nanawagan ang mga senador na imbestigahan ang flight sa NAIA kung saan isang private aircraft ang umano’y ginagamit para sa human trafficking.

Sa kanyang privilege speech, inilahad ni Senator Grace Poe na nakatanggap ang PNP-ASG received ng anonymous tip sa human trafficking activity sangkot ang chartered flight patungong Dubai nitong Lunes.

Idinagdag ni Poe na kabilang sa general declaration ng flight ang tatlong crew at anim na pasahero subalit sa halip ay mayroong pitong pasahero—isang Malaysian, Korean, Chinese, Vanuatu at tatlo mula sa Saint Kitts at Nevis—na may magkakaibang visas. RNT/SA