Inisyatiba ng mga politiko na magpa-drug test pinuri ng PNP

Inisyatiba ng mga politiko na magpa-drug test pinuri ng PNP

November 25, 2021 @ 6:22 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Pinuri ng Philippine National Police (PNP) ang inisyatiba ng ilang political aspirants na sumailalim sa drug tests bago ang eleksyon sa Mayo 2022.

“We will document the results, of course. It’s good that they are serving as good examples to the public,” ani PNP chief Police General Dionardo Carlos nitong Miyerkules.

Subalit nilinaw ng PNP na hindi nito ititigil ang imbestigasyon “in case there is valuable information that will link a candidate to the illegal drug trade or drug use.”

Inulit ng ahensya na hindi mandatoryo ang drug test sa mga kandidato para sa Halalan 2022, “but the organization will support it when it is implemented.”

“The PNP is willing to assist through its competent Forensic Group with any request from both local and national candidates to undergo a drug test,” dagdag pa nito.

Nauna nang sumailalim sa drug test sina presidential aspirants Manila Mayor Isko Moreno at Senator Panfilo Lacson, na kapwa negatibo ang resulta.

Sinabi naman ni former senator at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nitong Martes na sumailalim siya sa cocaine test at nagsumite ng negatibong resulta sa law enforcement agencies.

Si presidential aspirant Senator Manny Pacquiao ay dalawang beses na nag-negatibo sa cocaine at methamphetamine use matapo sumailalim sa anti-dope tests mula sa Voluntary Anti-Doping Association (VADA), ayon sa kam[po niya nitong Martes.

Negatibo rin ang resulta ng drug tests nina vice presidential aspirants Sara Duterte, Vicente Sotto III, at Willie Ong.

Matatandaang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga botante ukol sa isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine. Hindi naman niya ito pinangalanan. RNT/SA